Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2017

REAL LOVE

Maraming hugot ang nagsisilabasan sa mga social medias, sa mg paligid, sa school, pati na rin sa mga bagay-bagay (i.e. Ang pag-ibig ay parang Mathematics, kapag nahihirapan ka na susukuan mo na). Marami naman ang kabataan ang nagsasabing ang pag-ibig daw ay pagsasama ng isang babae at lalake na nagkakaroon ng relasyon. Sa Verse na ito, dito mo matutunghayan ang tunay na pag-ibig: Ang Pag-ibig 13  Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.   2  Kung  ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.   3  At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, [ a ] ngunit wala naman ako...

MGA URI NG PEKENG KRISTIYANO

Kapatid, mga ito ay dapat iwasan, kung nandito ka, hubarin mo na ito, kasi ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. 8 URI NG PEKENG KRISTIYANO Swimming Christian - Active lang pag may swimming ng ministry/church. Sila ay nabubuhay sa kasiyahan lamang. Judgmental Christian - Sila yung mga nagsasalita ng hindi nakakalugod sa kapwa nila (classmates, ministry member, worship pastor, atbp) Mainipin Christian - Sila yung mga niinip tuwing mahaba ang preaching ng pastor, bible study teacher, atbp.   Baon Christian - Sila yung tipong pumapasok lang sa ministry para magkaroon ng allowance, pero hindi siya nagbibigay sa chuch (tithes, giving) Tsismis Christian - Uri ng kristiyanong, itinitsimis ang mga ministry members (alam mo ba si __ mabait sa church, ganon ganon) Tummy Christian -  Sila yung tipong pumapasok lang sa church kung anniversary ng church o birthday ng ministry member (yung tipong pumupunnta lang sila sa church para sa pagkain) Iyakin Christian - Sila yung tipong u...

ANO NGA BA TALAGA ANG MEANING NG KRISTIYANO?

Kung tatanungin ka, "Kristiyano ka ba?" Gulong gulo ka bang sagutin iyon?  Ano ba talaga ang tunay na kristiyano? Ipinapakita lang ba ito sa pagkabibo mo sa ministry o kaya yung pagsimba mo tuwing Linggo?  Ang tunay na Kristiyano ay ang pagtanggap mo kay Lord ng buong puso't isipan, na walang interruption, at walang excuses. Ang tunay na kristiyano ay kayang maghatid ng magandang ballita galing sa Panginoon (i.e. Bible Study Teacher,) kayang iwasan ang mga tukso, nagbabasa ng Bible, nagdadasal, hindi nagtatanim ng sama ng loob, hindi judgemental, hindi nanood ng pornograpiya ,higit sa lahat, hindi sumasabay sa  takbo ng mundo, atbp. Kung ikaw talaga ay totoong anak ng Diyos dapat magawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Hindi lamang ito naipapakita sa pagiging bibo mo sa ministy, sa church. Kung sumusunod ka sa utos ng Diyos makakamtam mo rin ang regalo ng Panginoon sa  iyo ang salvation (kaligtasan.)

BAKIT KAYA NAPAKARAMING KABATAANG TUMATALIKOD SA PANANAMPALATAYA?

 "Bakit napakaraming kabataan ang tumatalikod sa pananampalataya?" Sagot:  Nalaman sa isang pagsusuri ng grupong Barna, isang nangungunang organisasyon ng pagsisiyasat na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang relasyon ng pananampalataya at kultura, na mas maliit pa sa isang porsyento (1) ng mga Kristiyano sa pagitan ng edad na 18 at 23 ang may maka-Bibliyang pananaw sa mundo.  Ipinaliwanag ng grupong Barna kung ano ang maka-Bibliyang pananaw ng mga nananampalataya. Ang maka-Bibliyang pananaw sa mundo ay ang paniniwala na: • umiiral ang iisang katotohanan sa moralidad,  • ang Bibliya ay hindi nagkakamali sa kabuuan,  • si Satanas ay totong persona, hindi lamang isang simbolo,  • ang isang tao ay hindi maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa,  • si Hesus ay nabuhay sa mundo ng may perpektong kabanalan , at • ang Diyos, ang Manlilikha ng mga langit at lupa at naghahari ngayon sa buong sansinukob.  Nalaman sa isa pang pa...

TOTOONG KAIBIGAN

5 Katangian ng Tunay na Kaibigan Ang tunay na pagkakaibigan ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin mula sa isang tao. Pero habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang mga tao. At sa patuloy na pagtakbo ng oras ay makikilala natin kung sino ang mga tunay sa hindi. Kung sino ang forever at ang tambay lang pala. May mga kaibigan tayong madalas nating nakakasama, siguro dahil na din sa hindi sila masyadong busy o dahil magkalapit lang ang bahay ninyo sa isa’t isa. Hehe. Pero huwag kang magtampo sa hindi mo madalas makasama, minsan kailangan mo din tanungin ang sarili mo kung nag-e-effort ka din ba para sa kanya. Ito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting kaibigan. At kung may jowa ka ngayon, pwede din tong basehan para magtagal ang relasyon ninyo. 1. Masaya sila sa iyong pag-unlad. Ang mga totoong kaibigan ay yung tulad mong masaya at excited sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay mo. Hindi sila yung naiinggit kapag nakikita kang umuunlad. Hindi ...

LAHAT BA NG TAO AY MGA ANAK NG DIYOS O ANG MGA KRISTIYANO LAMANG?

Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang lahat ng tao ay nilalang ng Diyos (Colosas 1:16), at iniibig ng Diyos ang buong sanlibutan (Juan 3:16), ngunit yaon lamang mga isinilang na muli ang mga anak ng Diyos (Juan 1:12; 11:52; Roma 8:16; 1 Juan 3:1-10). Sa Kasulatan, ang mga hindi mananampalataya ay hindi kailanman ipinakilala bilang mga anak ng Diyos. Sinasabi sa atin sa Efeso 2:3 na bago tayo naligtas, tayo ay "katutubong mga anak ng kapootan" (Efeso 2:1-3). Sinasabi sa Roma 9:8, "hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Diyos, kundi ang mga anak ng pangako ay siyang itinuturing bilang binhi." Sa halip na ipanganak bilang mga anak ng Diyos, tayo ay ipinanganak sa kasalanan na siyang naghiwalay sa atin mula sa Diyos at dahilan ng pagkabilang natin sa kaharian ni Satanas at pagiging mga kaaway ng Diyos (Santiago 4:4, 1 Juan 3:8). Sinabi ni Hesus, "Kung ang Diyos ang inyong ama, ay inibig ninyo sana ako, sapagkat ako'y nagmula sa Diyos at ngayon ay naririto ak...

REAL CHRISTIAN

Ang tunay na Kristiyano ay hindi naipapakita sa pagiging active sa minitry, kundi ito lamang ay nakikita sa paggawa ng mabuti sa kapwa, at kayang magpigil sa sarili.