Skip to main content

REAL LOVE

Maraming hugot ang nagsisilabasan sa mga social medias, sa mg paligid, sa school, pati na rin sa mga bagay-bagay (i.e. Ang pag-ibig ay parang Mathematics, kapag nahihirapan ka na susukuan mo na). Marami naman ang kabataan ang nagsasabing ang pag-ibig daw ay pagsasama ng isang babae at lalake na nagkakaroon ng relasyon. Sa Verse na ito, dito mo matutunghayan ang tunay na pag-ibig:

Ang Pag-ibig

13 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay. Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin,[a]ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. Hindi pa ganap ang ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang di-ganap.
11 Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
13 Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Kapatid, kamusta na? Baka natamaan ka sa verse na ito. Sa verse na ito ay naipaliwanag kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig o real love. 

Reflections...



Popular posts from this blog

MGA URI NG PEKENG KRISTIYANO

Kapatid, mga ito ay dapat iwasan, kung nandito ka, hubarin mo na ito, kasi ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. 8 URI NG PEKENG KRISTIYANO Swimming Christian - Active lang pag may swimming ng ministry/church. Sila ay nabubuhay sa kasiyahan lamang. Judgmental Christian - Sila yung mga nagsasalita ng hindi nakakalugod sa kapwa nila (classmates, ministry member, worship pastor, atbp) Mainipin Christian - Sila yung mga niinip tuwing mahaba ang preaching ng pastor, bible study teacher, atbp.   Baon Christian - Sila yung tipong pumapasok lang sa ministry para magkaroon ng allowance, pero hindi siya nagbibigay sa chuch (tithes, giving) Tsismis Christian - Uri ng kristiyanong, itinitsimis ang mga ministry members (alam mo ba si __ mabait sa church, ganon ganon) Tummy Christian -  Sila yung tipong pumapasok lang sa church kung anniversary ng church o birthday ng ministry member (yung tipong pumupunnta lang sila sa church para sa pagkain) Iyakin Christian - Sila yung tipong u...

TOTOONG KAIBIGAN

5 Katangian ng Tunay na Kaibigan Ang tunay na pagkakaibigan ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin mula sa isang tao. Pero habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang mga tao. At sa patuloy na pagtakbo ng oras ay makikilala natin kung sino ang mga tunay sa hindi. Kung sino ang forever at ang tambay lang pala. May mga kaibigan tayong madalas nating nakakasama, siguro dahil na din sa hindi sila masyadong busy o dahil magkalapit lang ang bahay ninyo sa isa’t isa. Hehe. Pero huwag kang magtampo sa hindi mo madalas makasama, minsan kailangan mo din tanungin ang sarili mo kung nag-e-effort ka din ba para sa kanya. Ito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting kaibigan. At kung may jowa ka ngayon, pwede din tong basehan para magtagal ang relasyon ninyo. 1. Masaya sila sa iyong pag-unlad. Ang mga totoong kaibigan ay yung tulad mong masaya at excited sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay mo. Hindi sila yung naiinggit kapag nakikita kang umuunlad. Hindi ...

ANO NGA BA TALAGA ANG MEANING NG KRISTIYANO?

Kung tatanungin ka, "Kristiyano ka ba?" Gulong gulo ka bang sagutin iyon?  Ano ba talaga ang tunay na kristiyano? Ipinapakita lang ba ito sa pagkabibo mo sa ministry o kaya yung pagsimba mo tuwing Linggo?  Ang tunay na Kristiyano ay ang pagtanggap mo kay Lord ng buong puso't isipan, na walang interruption, at walang excuses. Ang tunay na kristiyano ay kayang maghatid ng magandang ballita galing sa Panginoon (i.e. Bible Study Teacher,) kayang iwasan ang mga tukso, nagbabasa ng Bible, nagdadasal, hindi nagtatanim ng sama ng loob, hindi judgemental, hindi nanood ng pornograpiya ,higit sa lahat, hindi sumasabay sa  takbo ng mundo, atbp. Kung ikaw talaga ay totoong anak ng Diyos dapat magawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Hindi lamang ito naipapakita sa pagiging bibo mo sa ministy, sa church. Kung sumusunod ka sa utos ng Diyos makakamtam mo rin ang regalo ng Panginoon sa  iyo ang salvation (kaligtasan.)