Skip to main content

TOTOONG KAIBIGAN




5 Katangian ng Tunay na Kaibigan


Ang tunay na pagkakaibigan ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin mula sa isang tao. Pero habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang mga tao. At sa patuloy na pagtakbo ng oras ay makikilala natin kung sino ang mga tunay sa hindi. Kung sino ang forever at ang tambay lang pala.
May mga kaibigan tayong madalas nating nakakasama, siguro dahil na din sa hindi sila masyadong busy o dahil magkalapit lang ang bahay ninyo sa isa’t isa. Hehe. Pero huwag kang magtampo sa hindi mo madalas makasama, minsan kailangan mo din tanungin ang sarili mo kung nag-e-effort ka din ba para sa kanya. Ito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting kaibigan. At kung may jowa ka ngayon, pwede din tong basehan para magtagal ang relasyon ninyo.
1. Masaya sila sa iyong pag-unlad.
Ang mga totoong kaibigan ay yung tulad mong masaya at excited sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay mo. Hindi sila yung naiinggit kapag nakikita kang umuunlad. Hindi yung nakikipag-kumpetensya sa mataas na grades sa school at sweldo sa opisina. Ang tunay na kaibigan ay hindi yung nagseselos kapag may jowa ka tapos sila wala. Yung mga naiinggit kapag may nabili kang importanteng bagay tapos sila hindi. Tunay ang kaibigan mo kung wagas din ang kasiyahan nya sa lahat ng magandang pangyayari sa buhay mo.
2. Nandyan sila pag sobrang kailangan mo.
Ang magkakaibigan ay nagtutulungan, nagdadamayan. Kailangan give and take. Kailangan nandyan kayo palagi para sa isa’t isa. Lalo na sa oras ng kagipitan. Alam kong sobrang busy na ng buhay ng tao. May kanya-kanya nang priorities. Pero kapag may problema ka at talagang kailangan mo ng tulong, gagawa at gagawa yan ng paraan. Gagawa yan ng oras para matulungan ka. At kung may ganito kang kaibigan, pasalamatan mo sya at pahalagahan.
3. Sila ay matapat at supportive.
Mahirap magkaroon ng kaibigan na supportive lang at hindi honest sa mga bagay bagay na kailangan mong malaman. Kasi pag supportive lang siya, hahayaan ka lang nya gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. Yung honest at supportive friend naman yung magsasabi sayo ng mga katotohanan na kahit ayaw mong marinig ay sasabihin pa rin nya. At kung hindi ka man makinig, susuportahan ka pa rin nya. Ayun nga lang, kapag nagkamali ka, lagot ka sa mga sermon nya. Hehe
Kailangan mo ng ganitong klase ng kaibigan kung ikaw yung tao na nanghihingi ng opinyon bago pumasok sa isang relasyon. Kasi sila yung magiging hurado ng taong gusto mong maging jowa. Hindi sila basta basta susuporta lang na pumasok ka sa isang relasyon kung nakikita nilang may malaking mali sa taong gusto mo.
4. Nirerespeto nila ang oras mo at ang iyong emosyon.
Madalas tayong dumaing ng problema sa mga kaibigan natin. Pero dapat din nating isipin na hindi problem sponges ang mga kaibigan natin. Naalala ko yung sinabi ng asawa ko, na kung kaya mong sarilinin ang lungkot at problema, wag mo na idamay ang iba. Masaya na mayroon kang nasusumbungan ng sama ng loob mo, pero dapat may respeto ka pa din sa damdamin ng kaibigan mo. Malay mo, may mas mabigat pa lang syang problema pero hindi nya lang sinasabi sayo kasi ayaw na nya makidagdag pa sa pinapasan mo.
Oo, ang magkaibigan kailangan nagdadamayan. Pero dapat nako-consider din ang time. Dapat isipin natin palagi na hindi lang tayo ang kaibigan ng kaibigan natin. At may pamilya din sila na kailangan ng oras nila. Pag may mga usapan kayo, sikapin na huwag ma-late. Natutuwa ako sa mga kaibigan kong palaging nasa oras ng usapan kahit pa super busy nila sa buhay. Kahit pa may anak na, nagagawa pa din na huwag akom paghintayin. Hehe
5. Palagi silang nakikipag-communicate sa’yo.
Pahalagahan mo yung mga kaibigan mong may mga anak at asawa na pero nagagawa pa din makipagkwentuhan sa’yo kahit sa chat at text lang. Yung mga kaibigan na kahit super busy sa pagtatrabaho at pagpapayaman ay nakakagawa pa din ng paraan para mag-lunch or dinner out kayo. Yung mga kaibigan na kahit ilang buwan man ang lumipas ay kilala mo pa din at kilala ka pa din. Yung hindi nakakalimot at palaging nagse-send ng kahit hello, I miss you, and ingat messages lang. Sila yung mga tunay mong kaibigan na alam mong kahit walang pisikal na presensya ay alam mong nandyan lang palagi.
Lahat naman tayo may mga tunay na kaibigan. Kung wala, eh baka may problema ka na sa ugali mo. Charot lang! Kailangan palagi nating pahalagahan ang mga kaibigan natin na parang mga kapamilya at kapuso na natin. Magandang araw!

Source: https://meetlourd.wordpress.com/2015/06/17/5-katangian-ng-tunay-na-kaibigan/

Comments

Popular posts from this blog

MGA URI NG PEKENG KRISTIYANO

Kapatid, mga ito ay dapat iwasan, kung nandito ka, hubarin mo na ito, kasi ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. 8 URI NG PEKENG KRISTIYANO Swimming Christian - Active lang pag may swimming ng ministry/church. Sila ay nabubuhay sa kasiyahan lamang. Judgmental Christian - Sila yung mga nagsasalita ng hindi nakakalugod sa kapwa nila (classmates, ministry member, worship pastor, atbp) Mainipin Christian - Sila yung mga niinip tuwing mahaba ang preaching ng pastor, bible study teacher, atbp.   Baon Christian - Sila yung tipong pumapasok lang sa ministry para magkaroon ng allowance, pero hindi siya nagbibigay sa chuch (tithes, giving) Tsismis Christian - Uri ng kristiyanong, itinitsimis ang mga ministry members (alam mo ba si __ mabait sa church, ganon ganon) Tummy Christian -  Sila yung tipong pumapasok lang sa church kung anniversary ng church o birthday ng ministry member (yung tipong pumupunnta lang sila sa church para sa pagkain) Iyakin Christian - Sila yung tipong u...

ANO NGA BA TALAGA ANG MEANING NG KRISTIYANO?

Kung tatanungin ka, "Kristiyano ka ba?" Gulong gulo ka bang sagutin iyon?  Ano ba talaga ang tunay na kristiyano? Ipinapakita lang ba ito sa pagkabibo mo sa ministry o kaya yung pagsimba mo tuwing Linggo?  Ang tunay na Kristiyano ay ang pagtanggap mo kay Lord ng buong puso't isipan, na walang interruption, at walang excuses. Ang tunay na kristiyano ay kayang maghatid ng magandang ballita galing sa Panginoon (i.e. Bible Study Teacher,) kayang iwasan ang mga tukso, nagbabasa ng Bible, nagdadasal, hindi nagtatanim ng sama ng loob, hindi judgemental, hindi nanood ng pornograpiya ,higit sa lahat, hindi sumasabay sa  takbo ng mundo, atbp. Kung ikaw talaga ay totoong anak ng Diyos dapat magawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Hindi lamang ito naipapakita sa pagiging bibo mo sa ministy, sa church. Kung sumusunod ka sa utos ng Diyos makakamtam mo rin ang regalo ng Panginoon sa  iyo ang salvation (kaligtasan.)