Skip to main content

LAHAT BA NG TAO AY MGA ANAK NG DIYOS O ANG MGA KRISTIYANO LAMANG?

Malinaw na sinasabi sa Bibliya na ang lahat ng tao ay nilalang ng Diyos (Colosas 1:16), at iniibig ng Diyos ang buong sanlibutan (Juan 3:16), ngunit yaon lamang mga isinilang na muli ang mga anak ng Diyos (Juan 1:12; 11:52; Roma 8:16; 1 Juan 3:1-10). Sa Kasulatan, ang mga hindi mananampalataya ay hindi kailanman ipinakilala bilang mga anak ng Diyos. Sinasabi sa atin sa Efeso 2:3 na bago tayo naligtas, tayo ay "katutubong mga anak ng kapootan" (Efeso 2:1-3). Sinasabi sa Roma 9:8, "hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Diyos, kundi ang mga anak ng pangako ay siyang itinuturing bilang binhi." Sa halip na ipanganak bilang mga anak ng Diyos, tayo ay ipinanganak sa kasalanan na siyang naghiwalay sa atin mula sa Diyos at dahilan ng pagkabilang natin sa kaharian ni Satanas at pagiging mga kaaway ng Diyos (Santiago 4:4, 1 Juan 3:8). Sinabi ni Hesus, "Kung ang Diyos ang inyong ama, ay inibig ninyo sana ako, sapagkat ako'y nagmula sa Diyos at ngayon ay naririto ako. Hindi ako naparito mula sa aking sarili kundi sinugo niya ako." At ilang mga talata pagkatapos ng Juan 8:44, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo, "Kayo'y mula sa inyong amang diyablo, at ang nais ninyong gawin ay ang kagustuhan ng inyong ama." Ang katotohanan na ang mga hindi ligtas ay hindi anak ng Diyos ay makikita rin sa 1 Juan 3:10, "Sa ganito nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Diyos, pati ang hindi umiibig sa kanyang kapatid." Naging anak tayo ng Diyos at naligtas dahil tayo ay inampon sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng ating relasyon sa Panginoong Hesu Kristo (Galacia 4:5-6; Efeso 1:5). Malinaw itong makikita sa mga talata gaya ng Roma 8:14-17: "Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y tumatawag tayo, "Abba! Ama!" Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin, mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama niya, upang tayo'y luwalhatiin namang kasama niya." Ang mga ligtas ay mga anak ng Diyos, "Sapagkat kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya" (Galacia 3:6) dahil "tayo'y itinalaga sa pagkukupkop upang maging kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kabutihan ng kanyang kalooban" (Efeso 1:5).

Source: https://www.gotquestions.org/Tagalog/mga-anak-ng-Diyos.html

Comments

Popular posts from this blog

MGA URI NG PEKENG KRISTIYANO

Kapatid, mga ito ay dapat iwasan, kung nandito ka, hubarin mo na ito, kasi ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. 8 URI NG PEKENG KRISTIYANO Swimming Christian - Active lang pag may swimming ng ministry/church. Sila ay nabubuhay sa kasiyahan lamang. Judgmental Christian - Sila yung mga nagsasalita ng hindi nakakalugod sa kapwa nila (classmates, ministry member, worship pastor, atbp) Mainipin Christian - Sila yung mga niinip tuwing mahaba ang preaching ng pastor, bible study teacher, atbp.   Baon Christian - Sila yung tipong pumapasok lang sa ministry para magkaroon ng allowance, pero hindi siya nagbibigay sa chuch (tithes, giving) Tsismis Christian - Uri ng kristiyanong, itinitsimis ang mga ministry members (alam mo ba si __ mabait sa church, ganon ganon) Tummy Christian -  Sila yung tipong pumapasok lang sa church kung anniversary ng church o birthday ng ministry member (yung tipong pumupunnta lang sila sa church para sa pagkain) Iyakin Christian - Sila yung tipong u...

TOTOONG KAIBIGAN

5 Katangian ng Tunay na Kaibigan Ang tunay na pagkakaibigan ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin mula sa isang tao. Pero habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang mga tao. At sa patuloy na pagtakbo ng oras ay makikilala natin kung sino ang mga tunay sa hindi. Kung sino ang forever at ang tambay lang pala. May mga kaibigan tayong madalas nating nakakasama, siguro dahil na din sa hindi sila masyadong busy o dahil magkalapit lang ang bahay ninyo sa isa’t isa. Hehe. Pero huwag kang magtampo sa hindi mo madalas makasama, minsan kailangan mo din tanungin ang sarili mo kung nag-e-effort ka din ba para sa kanya. Ito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting kaibigan. At kung may jowa ka ngayon, pwede din tong basehan para magtagal ang relasyon ninyo. 1. Masaya sila sa iyong pag-unlad. Ang mga totoong kaibigan ay yung tulad mong masaya at excited sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay mo. Hindi sila yung naiinggit kapag nakikita kang umuunlad. Hindi ...

ANO NGA BA TALAGA ANG MEANING NG KRISTIYANO?

Kung tatanungin ka, "Kristiyano ka ba?" Gulong gulo ka bang sagutin iyon?  Ano ba talaga ang tunay na kristiyano? Ipinapakita lang ba ito sa pagkabibo mo sa ministry o kaya yung pagsimba mo tuwing Linggo?  Ang tunay na Kristiyano ay ang pagtanggap mo kay Lord ng buong puso't isipan, na walang interruption, at walang excuses. Ang tunay na kristiyano ay kayang maghatid ng magandang ballita galing sa Panginoon (i.e. Bible Study Teacher,) kayang iwasan ang mga tukso, nagbabasa ng Bible, nagdadasal, hindi nagtatanim ng sama ng loob, hindi judgemental, hindi nanood ng pornograpiya ,higit sa lahat, hindi sumasabay sa  takbo ng mundo, atbp. Kung ikaw talaga ay totoong anak ng Diyos dapat magawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Hindi lamang ito naipapakita sa pagiging bibo mo sa ministy, sa church. Kung sumusunod ka sa utos ng Diyos makakamtam mo rin ang regalo ng Panginoon sa  iyo ang salvation (kaligtasan.)