Skip to main content

THE SINCERE PRAYER

Kamusta na? Mukhang blessed ka yata bes, ipinagpasalamat mo ba ito kay Lord? Kung oo, baka kulang pa 'yan.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng paulit-ulit na panalangin sa matiyagang panalangin?
  • Ang paulit-ulit na panalangin ay walang buhay.
  • Ang matiyagang panalangin ay tapat na paglapit sa Dios.
Bakit tayo nananalangin?
  • Sapagkat mahal tayo ng Diyos
  • Dahil nais ng Diyos na may sabihin tayo sa kanya
Mateo 6
1Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.
2Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 3Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay: 4Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
5At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 6Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
7At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. 8Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
9Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.14Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. 15Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
16Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 17Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; 18Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
19Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 20Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:21Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
22Ang ilawan ng katawan ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng liwanag. 23Datapuwa't kung masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!
24Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.
25Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? 26Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? 27At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? 28At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man: 29Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito. 30Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya? 31Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?32Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
34Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.

Bakit mahalagang simulan sa ganitong paraan ang Panalangin?
-Ang panalangin ay dapat hindi dapat nagsisimula sa hiling, dapt magsimula muna ito sa papuri at pasasalammat.

Ang ating mga Pangangailangan. (v11-13)
11Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.

Ang panalangin ay magiging mabisa kung ito ay nagmumula sa mapagpatawag na puso.

Huwag kayong mapagtanim ng sama ng loob upang madali kang mapatawad ng Diyos.

Prayer Method
  • Papuri
  • Pasasalamat
  • Panghiingi ng tawad
  • Request
  • Papuri
  • Amen


Comments

Popular posts from this blog

MGA URI NG PEKENG KRISTIYANO

Kapatid, mga ito ay dapat iwasan, kung nandito ka, hubarin mo na ito, kasi ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. 8 URI NG PEKENG KRISTIYANO Swimming Christian - Active lang pag may swimming ng ministry/church. Sila ay nabubuhay sa kasiyahan lamang. Judgmental Christian - Sila yung mga nagsasalita ng hindi nakakalugod sa kapwa nila (classmates, ministry member, worship pastor, atbp) Mainipin Christian - Sila yung mga niinip tuwing mahaba ang preaching ng pastor, bible study teacher, atbp.   Baon Christian - Sila yung tipong pumapasok lang sa ministry para magkaroon ng allowance, pero hindi siya nagbibigay sa chuch (tithes, giving) Tsismis Christian - Uri ng kristiyanong, itinitsimis ang mga ministry members (alam mo ba si __ mabait sa church, ganon ganon) Tummy Christian -  Sila yung tipong pumapasok lang sa church kung anniversary ng church o birthday ng ministry member (yung tipong pumupunnta lang sila sa church para sa pagkain) Iyakin Christian - Sila yung tipong u...

TOTOONG KAIBIGAN

5 Katangian ng Tunay na Kaibigan Ang tunay na pagkakaibigan ang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin mula sa isang tao. Pero habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang mga tao. At sa patuloy na pagtakbo ng oras ay makikilala natin kung sino ang mga tunay sa hindi. Kung sino ang forever at ang tambay lang pala. May mga kaibigan tayong madalas nating nakakasama, siguro dahil na din sa hindi sila masyadong busy o dahil magkalapit lang ang bahay ninyo sa isa’t isa. Hehe. Pero huwag kang magtampo sa hindi mo madalas makasama, minsan kailangan mo din tanungin ang sarili mo kung nag-e-effort ka din ba para sa kanya. Ito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting kaibigan. At kung may jowa ka ngayon, pwede din tong basehan para magtagal ang relasyon ninyo. 1. Masaya sila sa iyong pag-unlad. Ang mga totoong kaibigan ay yung tulad mong masaya at excited sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay mo. Hindi sila yung naiinggit kapag nakikita kang umuunlad. Hindi ...

ANO NGA BA TALAGA ANG MEANING NG KRISTIYANO?

Kung tatanungin ka, "Kristiyano ka ba?" Gulong gulo ka bang sagutin iyon?  Ano ba talaga ang tunay na kristiyano? Ipinapakita lang ba ito sa pagkabibo mo sa ministry o kaya yung pagsimba mo tuwing Linggo?  Ang tunay na Kristiyano ay ang pagtanggap mo kay Lord ng buong puso't isipan, na walang interruption, at walang excuses. Ang tunay na kristiyano ay kayang maghatid ng magandang ballita galing sa Panginoon (i.e. Bible Study Teacher,) kayang iwasan ang mga tukso, nagbabasa ng Bible, nagdadasal, hindi nagtatanim ng sama ng loob, hindi judgemental, hindi nanood ng pornograpiya ,higit sa lahat, hindi sumasabay sa  takbo ng mundo, atbp. Kung ikaw talaga ay totoong anak ng Diyos dapat magawa mo lahat ng nabanggit sa taas. Hindi lamang ito naipapakita sa pagiging bibo mo sa ministy, sa church. Kung sumusunod ka sa utos ng Diyos makakamtam mo rin ang regalo ng Panginoon sa  iyo ang salvation (kaligtasan.)